Relationships

Top 10: Reasons Why You Should Not Be “Under De Saya”

Nasa edad na tayo na napapalibutan na ng mga taong kasal. Sa totoo lang, sa kasalukuyan, halos lahat ng tropa ko na lagi kong kasama ay kasal na. Kaya tuwing inuman, hindi maiwasan ang kwentong buhay asawa. Dahil dun, hindi rin maiiwasan ang pinakamalupit na kantiyaw sa lalaking may asawa at lasing – ang pagiging under sa asawa.

Ang pag-aasawa ay nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng buhay mo, mas lalo na kung under ka sa asawa mo. Hindi ako si Jenn Berman na experto pag dating sa usapang kasal, hindi rin naman ako kasal, at mas lalong hindi ako diborsiyado, pero eto lang ang masasabi ko – huwag na huwag kang magpa-under sa asawa mo.

Para mamulat ang mata ng mga kalalakihang “tigasin” ika nga (tiga-saing, tiga-linis, tiga-laba, tiga-luto, etc.), ito ang listahan kung bakit hindi ka dapat mag pa-under kay misis.

GAME OVER SON!

GAME OVER SON!

10. Asar talo ka sa inuman

Ikaw ang laging kakantiyawin sa inuman pag dating sa usapang mag asawa. Kahit wala ka dun. Di ka na nga pinayagan ni misis dahil under ka, ikaw parin ang talk of the town!

9. Bawas ang boys night out

Baka nga bawal na ang boys night out for you. Sabihin na nating oo, you get laid more consistently compared to your single or not-so-under married friends, pero pag under ka hindi mo na magagamit ang katagang bros before…wife.

Galing na yan mismo sa bibig ni House: Bros b4 hos, man!

Galing na yan mismo sa bibig ni House: Bros b4 hos, man!

8. In-laws

Kung nagpapa-under ka sa asawa mo, lalong lalakas ang authority ng mga manugang mo sayo. Good luck with that hombre.

7. Mahirap lumabas with friends

Sa tuwing may lakad ka na hindi kasama si misis, even if it’s as mundane as playing basketball with friends, kailangan mo pagplanuhan nang mabuti kung ano ang paalam mo, worse, kelangan mo ng exit strategy para lang maka-alis ng bahay.

6. Wala kang pera sa sarili mo

Hindi ka maka-ipon ng pera dahil sa periodical and mandatory shopping spree at salon/parlor ni misis na di hamak na mas importante pa daw sa bagong rims na gusto mo para kotse mo.

5. Para sa may anak: duty watchbill sa pagbababy sit

Kung under ka kay misis, baka mas maraming beses ka pa mag-alaga ng bata kesa sa kanya. Puyat ka ngang papasok sa trabaho bukas, tapos mawawala pa ang poker nights with the tropa.

Si Jessica Alba siguro ang isang exception to the rule. Magpapaunder na ko, sasamahan siyang magshopping araw araw at ibebenta ang rims ng kotse kung maubusan kami ng pang shopping niya. Real talk.

Si Jessica Alba siguro ang isang exception to the rule. Magpapa-under na ko, sasamahan siyang magshopping araw araw at ibebenta ang rims ng kotse kung maubusan kami ng pang shopping niya. Real talk.

4. Kapag magreklamo ka, sisigawan ka niya

Pero kapag nagrereklamo siya, hindi maaaring sumagot ng pabalang (sisigawan ka pa rin niya). At sa lahat ng pagtatalo niyo siya ang laging may “huling say” sa usapan.

3. Bantay sarado ang cellphone at credit card mo

Kung akala mong nakatakas ka na sa panahong tinatago mo sa syota mo ang text messages at calls mo sa cellphone, nagkakamali ka. Imposibleng hindi mag snoop around ang misis sa cellphone, facebook, email, at baka pati bank account at credit card statements mo. Tandaan na ang nakalistang spa sa credit card statement mo ay “spa” sa mata ni misis. If you know what I mean.

2. Si misis ang priority mo over everything

Mas importante daw siya kesa sa trabaho mo, pero yari ka pag nasipa ka sa trabaho. Contradiction na mas malupit pa kay scottish korean guy sa Starburst commercial:

At ang Top 1 reason kung bakit hindi ka dapat magpa-under sa asawa mo:

1. Flying pinggan o flying kaldero

Pwede ring flying tsinelas o stilettos. Actually, kahit anong bagay na pwede ibato ng asawa mo within her arms-reach.

Get the picture?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s