Guide

5 Steps to Get Yourself Into the Spirit of Christmas

Kung masyado kang busy sa trabaho o sa pag-aaral, hindi mo pa siguro napapansin na ilang araw na lang magpapasko na. At dahil na rin dito, hindi mo pa nararamdaman ang tinatawang nilang “Spirit of Christmas. I think deep down, lahat naman tayo gusto nito. Kaya kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin maramdaman ito, huwag kang mag-aalala at basahin lang mga sumusunod na payo at baka sakaling pagkatapos nito, madama mo na nga ang inaasam na Christmas spirit.

1. Makinig paulit-ulit sa mga kanta ni Jose Mari Chan

Maraming Christmas songs and carols pero iba pa rin yung mga kanta ni Jose Mari Chan. Especially for us Filipinos na kinalakihan ang mga kanta niya. Siguro yung iba pa sa atin, nag-interpretative dance or kung ano man tawag dun nung elementary or high school sa mga kanta niya.

Panoorin mo rin yung advertisement ng Coca Cola na may mga truck sila na may magagandang ilaw. Bata pa lang ako, pag pinalabas na yun, alam ko nang magpapasko na.

Kung hindi pa rin tumatalab sayo, bakit hindi mo subukang mag-marathon ng mga movies na pang-Christmas? Nandyan ang Home Alone 1 and 2 (hindi daw maganda yung 3). Siguro naman after niyan mafefeeel mo na ang Christmas. Pero kung hindi pa rin, don’t fret, may apat pa tayong paraan para sa’yo.

2. Bumili ng prigider na napupuno ng frost at ipunin ito at ibilog na parang snowballs

Kahit walang snow sa Pilipinas, parati pa ring may snow ang mga dekorasyon natin sa bahay. Pati mismong Christmas tree, may fake snow pa nga minsan. Kaya naman tuwing nakakakita tayo ng snow (o kahit fake pa yan), madali natin itong na-aassociate sa pasko.

At dahil wala ngang snow dito, ang pinakamadaling paraan ay ang pagkuha nung nagyelo na tubig o kung ano man yun (frost ata tawag) sa gilid ng mga lumang freezer. Kung bago na yang prigider nyo, malamang hindi mo na makikita yun. Kaya bumili ka na lang nung mumurahin na klase para makapag-imbak ng snow at paglaruan ito. Make sure wala itong “frost-free” label.

Marami-raming snowballs ito!

Maramiraming snowballs ito!

Uso pa ba ang parol? Parang hindi masyado sa panahon ngayon. Pero aside from snow at Christmas tree (hindi naman talaga naging uso dito ang mistletoe), isa rin ito sa mga kinalakihan nating ornaments pag pasko. Alam mo ano maganda sa parol? Pwede kang gumawa ng sarili mo. Madali lang naman and I’m sure maraming guide diyan na nagkalat.

3. Bayaran ang mga bata sa kantong magkaroling sa bahay nyo gabi-gabi

Kung sa ngayon wala pa rin nagkakaroling sa inyo, tingin ko dapat mo nang bayaran yung mga bata para pumunta sa inyo. Tama na ang pagsigaw ng “patawad”, taon-taon ka na lang tumatawad eh!

Naalala ko nung kabataan ko, nagkakaroling kami nung mga kapitbahay ko. Syempre yung mga pinupuntahan naming bahay, mga kakilala rin namin. Tapos kung sino yung malaki magbigay (mataas na ang sampung piso nun), siya rin ang pupuntahan kinabukasan.

Ang staple musical instrument ng mga nagkakaroling.

Ang staple musical instrument ng mga nagkakaroling.

Hindi ko alam kung ano nangyari, pero parang wala nang nagkakaroling sa amin (baka sa amin lang) o nagtandaan na ba mga bata dito? Meron pa rin yung usual na nag-sosolicit ng pamasko na may dala-dalang envelope at sasabihing taga-simbahan sila o kung ano mang organization.

Pero iba pa rin yung mga batang nagkakaroling at kakanta ng walang tono (Sa Maybahay Ang Aming Bati at We Wish You A Merry Christmas) na minsan mali-mali pa ang lyrics.

Ito yung tamang lyrics, tingnan kung tama yung pagka-alala mo sa kanta:

Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
Pasko!

Aguinaldo. Pag nagbigay ka ata ng limang piso sa bata, baka ibato na sayo ngayon e.

4. Kung walang budget, pagkatapos ng simbang gabi, maki-amoy na lang sa nililutong puto bumbong at bibingka

Ah simbang gabi, kung saan gigising ka ng pagkaaga-aga para lang makapag-wish pagkatapos mo makumpleto ang 9 visits. Dahil maaga pa, malamig pa ang simoy ng hangin at maamoy mo na ang pasko. At dala ng hangin na ito ang amoy ng bagong lutong puto bumbong at bibingka.

Dahil late na ang post na ito at patapos na ang simbang gabi (sorry naman, may iba rin kaming trabaho at hindi lang mag-blog!), gumising ka na lang maaga kahit hindi para sa simbang gabi at pumunta sa suking tindahan ng puto bumbong at bibingka. Samahan mo na rin ng mainit na tsokalate. Sarap di ba?

Puto bumbong at bibingka. Sana alam mo which is which.

Puto bumbong at bibingka. Sana alam mo which is which.

Mahilig talaga tayong mga Pilipino sa pagkain. Meron tayong iba’t ibang pagkaing naka-handa depende sa kung ano ang occasion. Aside from puto bumbong at bibingka, ano pa ba ang madalas nating nakikita tuwing pasko lang?

Sa amin, diyan na magsisimulang magluto ang nanay ko ng roast beef, fruit salad, macaroons at embutido. Syempre, ang obligatory hamonado na rin. Pero binibili lang naman yun, so hindi talaga counted.

Curious akong malaman ang iba pang hinahanda niyo tuwing pasko, kaya paki-lagay na lang sa comments!

5. Magpost sa Facebook ng maraming picture tungkol sa Christmas

Kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin nafefeel. Baka pwedeng “fake it until you make it” na lang. Bago pa ang Christmas, magpost ka na nga mga picture na may Christmas feel at lagyan mo ng white text na madrama ang message. Parang virtual greeting card lang:

Christmas Greeting Card

Dagdagan mo na rin ng mga Instagram pictures ng mga lugar na puro Christmas lights para kunwari marami kang napupuntahang lugar na maganda. Tapos pagdating ng pasko mismo, magpa-picture ka sa lahat ng kakilala mo at magusot ka ng red o green na damit parang nasa theme ka ng Christmas. Mas maganda kung group picture para mukha kang maraming friends. And don’t forget to smile!

Biro lang!

Siguro ang pinaka-importante naman talaga para maramdaman natin yung totoong spirit of Christmas ay ang makasalo ang pamilya at mga mahal natin sa buhay sa isang gabi na puno ng kasiyahan at tawanan. Aside from the usual gifts na ibibigay mo sa kanila, bakit hindi kayo magkaroon ng exchange gift din? Mas maraming regalo, mas masaya! How about Christmas games? Kahit na yung mga simpleng laro lang like charades or pictionary masaya na laruin yun!

Alam kong hindi lahat sa ating magiging mapalad na maging kumpleto ang pamilya. Karamihan siguro nasa abroad ang ibang magulang o kapatid. Pero we can take advantage of technology that we have now para naman kahit papaano makasama natin sila. At kung naghahanap ka ng kasama, bakit hindi ka magpa-Christmas party sa mga orphanage o di kaya home for the aged? Ibang klase ang makakita ng genuine happiness from other people na alam mong dahil sa’yo.

Madami pang ibang paraan para maramdaman ang diwa ng pasko, pero ultimately, nasa sa iyo talaga kung gusto mo bang madama ito at kung papayagan mo ang sariling mong maging masaya ngayong pasko.

Kaya mula sa akin at sa buong grupo ng Behindtheback.org, bumabati kami ng isang Maligayang Pasko sa inyong lahat sa inyong mga mahal sa buhay!

Sorry, wala talaga kaming ibang group picture e. :(

Wala talaga kaming ibang group picture. 😦

Follow me on twitter – @likeavirgil

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s