Girls / Internet

Jinri Park Strips Down in Her First Music Video

Bago mo basahin ang post na ito, required kang panoorin muna yung video. Kailangan mo panoorin yung buo kasi hindi mo maiintindihan ang kakaibang pakiramdam pagkatapos mapanood ito. Seriously.

“Life-changing”. Yan ang description ng isa kong friend sa Twitter. Hahayaan ko na ang isang Top Comment sa Youtube ang magpaliwanag:

Balang-araw lahat tayo makakapagbayad na ng bill ng kuryente

Mabuhay ka j.luna!

At dahil kailangan kong magbigay ng detailed analysis tungkol sa video, kailangan ko siya panoorin ng ulit. At ilang beses pa ulit para tuluyang maintindihan kung ano nga ba nais ipahiwatig sa atin ni Jinri:

“Bibibibi-bills! Do you know stuff about your kuryente?”

Sabi nung iba, kWHOREyente daw yung huli. Hindi naman siguro sadya yun, hirap lang yung tao mag-tagalog. Kung nakikinig ka ng radyo tuwing gabi, baka narinig mo na si Jinri sa RX 93.1 na tinuturuan mag-tagalog nung kasama niyang DJ. Multi-talented pala itong si Jinri.

Aaminin ko, hindi ko alam kung papaano nga ang breakdown sa binabayad namin sa kuryente. Kaya nga naman kahit papaano, mas naintindihan ko kung kung saan napupunta ang binabayad namin. Ito pala yung basic breakdown nung expenses based sa kanta ni Jinri:

  • Generation Companies – 55%
  • Meralco – 19% (or so so so)
  • Government Taxes – 9%
  • Transmission Company – 8%
  • Other things – 9%

Saktong 100% kapag nag-add ka. Ang intindi ko, basically 19% ng binabayad namin ay napupunta sa Meralco who does what exactly? Kasi kung may generation at transmission companies ka na, bakit pa sila kelangan bayaran? Pero hindi naman yan talaga ang problema ko.

Kung mapapansin natin sa video, ang bawat damit na tinatanggal ni Jinri symbolizes each part of what we pay. Yung jacket, pinakamalaki kasi 55% yung sa generation companies. So following this line of thought, dapat wala na siyang saplot pagnaabot na ang kabuuang 100%! This is a conspiracy! Pinagkakait nila tayo sa katotohanan!

Speaking of which, tingin ko hango ang video sa kantang “Gee” ng Korean Pop group, Girls’ Generation. Masyadong magkalapit ang tunog at tono. Try mo pakinggan kahit yung unang chorus lang:

Kahawig, di ba? Sabagay, parehas naman silang mga Koreana kaya siguro dun nag-base.

Racist itong mga taga-Meralco.

Biro lang, wag sana nila akong putulan ng kuryente, papanoorin ko pa ulit yung video ni Jinri nang naka-mute.

Follow me on twitter – @likeavirgil

Advertisements

9 thoughts on “Jinri Park Strips Down in Her First Music Video

  1. Maganda yung video actually kaso lang distracting! Anyway, ang job ng meralco is actually distribution. Quickie explanation lang:

    Power systems are composed of three parts:

    1. Generation – san ginagawa kuryente i.e. power plants
    2. Transmission – papadala mo yung kuryente galing sa power plants papunta sa substations
    3. Distribution – from substations papunta sa mga bahay/bldgs

    Meralco yung distribution part. Sila ang majority distributor ng kuryente sa Metro Manila 🙂

    • Salamat sa pag-enlighten sa akin, sir Chow! Oo nga, hindi ko naisip agad na sila nga naman yung nag-susupply ng kuryente per house/building/infrastructure. Sana supplyan din nila ng magandang kanta si Jinri.

  2. “So following this line of thought, dapat wala na siyang saplot pagnaabot na ang kabuuang 100%! This is a conspiracy! Pinagkakait nila tayo sa katotohanan!”
    – almost more than 50% pa nga ata yung natira eh! Theyreliars!

    hmmmm..naisip ko lang, papano mo naalala yung video ng girls generation nung narinig mo yung kanta ni jinri? bat may recall HAHAHA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s